Nagre-rebrand ang Nexo at umuunlad tungo sa pagiging nangungunang plataporma ng yaman para sa mga digital na asset.

Pag-unawa sa makabagong mamumuhunan.

Nakita namin ang lumalaking pangangailangan para sa isang platapormang tumutugon sa ambisyon ng may mga malaya at malayo ang pananaw na mamumuhunan na nagnanais bumuo ng pamana ng yaman sa sarili nilang paraan gamit ang mga digital na asset.

Pie chart

Sa nakalipas na 20 buwan, nagsagawa kami ng malawakang pananaliksik sa mga gawi at kagustuhan ng mahigit 5,000 aktibong user sa 120 hurisdiksiyon. 67.9% ang mas gusto ang pangmatagalang (3+ taon) mga estratehiya sa pamumuhunan, na nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa mga solusyong sumusuporta sa tuluy-tuloy na paglago. 73% ng mga transaksyon sa crypto sa buong mundo ay nagmumula sa mga indibidwal na may mataas na kita na kumikita ng mahigit $75,000 bawat taon, na nagpapatibay sa isang mapanuring pangkat ng mga mamumuhunan na naghahangad palawakin ang kanilang yaman sa pamamagitan ng mga digital na asset.

Kinikilala ng mga mamumuhunang ito ang mga digital na asset bilang puwersang nagbabago na muling humuhubog sa tradisyunal na pananalapi, na nagbubukas ng mga oportunidad para sa paglikha ng yaman lampas sa karaniwang hangganan ng pamumuhunan.

Ang evolution ay ang siyang tanging permanente.

Ang aming bagong logo ang nasa puso ng pagbabagong ito—isang makapangyarihang simbolo ng evolution ng Nexo. Sinasalamin nito ang dalawang mahahalagang ideya—ang mga puwersang nagtutulak sa aming tagumpay:

Ang paitaas na umaagos na spiral ay kumakatawan sa katatagan at kakayahang umangkop ng tao na nakaukit sa ating mismong DNA, habang ang matatalim na diagonal ay kumakatawan sa eksponensyal na paglago at walang-hanggang mga oportunidad sa mga digital na asset.

“Ipinapakita ng bagong logo ng Nexo kung ano na kami ngayon – isang sopistikadong plataporma ng yaman para sa mga digital na asset. Ikinakatawan nito ang kakayang umangkop, seguridad, at ang walang humpay naming pagpupursige na bigyang-kapangyarihan ang aming mga kliyente sa pagbuo ng pangmatagalang yaman." — Elitsa Taskova, CPO ng Nexo

Visual na pagkakakilanlan na binuo para sa hinaharap.

Habang ang mga digital na asset ay nasa sentro ng mundo ng pananalapi, isinasalamin ng bagong biswal na pagkakakilanlan ng Nexo ang aming paglago at ang aming pangako sa inobasyon.

Ang Nexo experience sa bawat touchpoint.

Saklaw ng aming pagre-rebrand ang bawat aspeto ng karanasan ng Nexo, nagdadala ng tuluy-tuloy at madaling intindihing interface habang isinasaad ang pagiging sopistikado at kakayang umangkop na inaasahan ng aming mga kliyente. In-update namin ang aming paleta ng kulay, nagpakilala ng bago at higit na sopistikadong mga background at ilustrasyon, at pinag-isa ang aming iconography o ikonograpia at koleksyon ng imahe upang maipakita ang aming mga prinsipyong pang-karanasan: pagdaragdag ng halaga, pagbibigay-inspirasyon sa pagtitiwala, at pagbibigay-linaw.

box-2
box-4
box-5
box-6
Nexo pins
Nexo flag
Nexo card on apple pay
Manage your assets

Visual na pagkakakilanlan na binuo para sa hinaharap.

Ang Nexo.com ay binuo muli mula sa simula gamit ang bagong malinis at madaling intindihing disenyo at layout na tinitiyak ang mabilis na access sa mahahalagang impormasyon at mga mapagkukunan.

Ang Nexo app at web na plataporma ay ganap na dinisenyong muli para maghatid ng malinis na aesthetics at mga kakayahang nakauna sa karanasan ng user sa lahat ng device.
"Habang sumusulong, kami ay tumutuon sa labis na naka-personalize, pambihirang serbisyo, nag-aalok ng awtonomiya at may kakayahang umangkop sa loob ng isang intuitive na suite ng produkto na may mga tool at kadalubhasaan para matulungan kang umunlad," sabi ni Elitsa Taskova, CPO ng Nexo.
Apple App Store iconGoogle Play Store icon

Komprehensibong hanay ng produkto para sa makabagong mamumuhunan.

Habang umuunlad ang aming brand, nananatiling pundasyon ng karanasan ng Nexo ang aming komprehensibong hanay ng produkto. Patuloy naming iniaalok sa iyo ang makapangyarihang mga tool para palaguin, pamahalaan, at gastusin ang iyong yaman. Maaari kang umasa sa aming 24/7 na team ng Serbisyo sa Kliyente at hanapin ang pinaka-maginhawang paraan para:

circle surrounded by lines

Pamahalaan ang iyong mga asset

Mga Credit line na suportado ng crypto na matipid sa buwis, 1500+ pares sa merkado, futures, at advanced na analytics para sa magkakaibang estratehiya.

Bar chart

Palaguin ang iyong ipon

Mataas na kita gamit ang mga estratehiyang buy low (pagbili sa murang presyo) at sell high (pagbenta sa mahal na presyo), nako-customize, may kakayahang umangkop, at nakapirming termino na pagbuo ng kita na may user-friendly na interface, naa-access 24/7 sa lahat ng device.

credit card

Gumastos saanman

Mga tuluy-tuloy na opsyon sa paggastos, na tinitiyak ang access sa pondo sa pamamagitan ng natatanging dual credit at debit na Nexo Card.

Habang lumalawak kami sa buong mundo, na nakatuon sa pagsunod sa regulasyon at pangmatagalang paglago ng yaman, unti-unti naming ilalabas ang kapanapanabik na mga update sa aming hanay ng produkto

Sundan kami sa social media para ikaw ang unang makaalam kung kailan.

Twitter Icon
YouTube Icon
Reddit Icon
Telegram Icon
Instagram Icon

Wealth Forward.

Mag-enjoy ng hanggang 10% Nexo Card cashback.

Alamin pa