Gamitin ang parehong panggarantiya para sa lahat ng iyong posisyon at pakinabangan ang iyong hindi pa na-covert na kita bilang margin para palaguin ang iyong kakayahan sa pag-trade.
Ang iyong panganib ay limitado lamang sa mga asset sa loob ng Futures Wallet, na pinoprotektahan ang iyong pangunahing portfolio.



Ang pag-trade ng crypto Futures ay nagbibigay-daan sa iyo na magbakasakali sa magiging presyo ng mga cryptocurrency nang hindi aktuwal na pagmamay-ari ang asset, sa pamamagitan ng pagbubukas ng long o short na mga posisyon batay sa iyong mga prediksyon sa merkado.
Halimbawa, kung naniniwala kang tataas ang presyo ng Bitcoin sa malapit na hinaharap, sa halip na bumili ng Bitcoin ngayon, pipili kang pumasok sa isang kontrata ng Perpetual Futures na nagbibigay sa iyo ng pagkakalantad lamang sa paggalaw ng presyo nito.
Sa kabilang banda, kung sa tingin mo bababa ang presyo ng Bitcoin, magbubukas ka ng isang ‘maikling posisyon’. Dahil walang petsa ng pag-expire, maaari mong panatilihin ang posisyong ito hangga’t nais mo, basta’t mahusay mong napamamahalaan ang iyong Panganib sa Margin.
Sa kasalukuyan, sa Nexo app o plataporma ng web, maaari kang mag-trade ng higit sa 100 kontrata ng Perpetual Futures.
Para makapagsimula sa pag-trade, kailangan mong kumpletuhin ang isang maikling pagsusulit at maglipat ng panggarantiya nang madalian at walang bayad sa iyong Futures Wallet.
Para magbasa pa tungkol sa pagpopondo ng iyong Futures Wallet, bisitahin ang aming artikulo ng Help Center.
Ang leverage ay nagbibigay-daan sa iyo na mag-trade ng crypto Futures sa pamamagitan ng pagkontrol ng mga posisyon na mas malaki kaysa sa iyong balanse. Halimbawa, gamit ang $100 mula sa sarili mong asset at 10x na leverage, maaari kang magkontrol ng $1,000 na posisyon.
Ang minimum na leverage para sa isang trade ay laging 2x at ang maximum ay nag-iiba sa pagitan ng 10x at 100x depende sa mga kontrata ng Futures.
Binibigyang-daan ka ng cross-margin na gamitin ang lahat ng panggarantiya sa iyong Futures Wallet para pamahalaan ang mga trade sa iba’t ibang asset. Sa halip na ihiwalay ang iyong panggarantiya sa bawat posisyon, pinagsasama ng cross-margin ang iyong mga mapagkukunan.
Nagbibigay ito ng flexibility at kakayahang takpan ang mga posibleng pagkalugi gamit ang mga kita mula sa ibang mga trade nang hindi kinakailangang isara nang maaga ang mga posisyon.
Ang kontrata ng Futures, bagama’t nag-aalok ng potensyal na reward, ay may kasamang panganib na posibleng mawala ang buong panggarantiya mo. Ito ang dahilan kung bakit dapat kang maging maingat sa Margin Calls – isang push notification at email na maaaring dumating kapag ang iyong Panganib sa Margin ay lumampas sa isang partikular na threshold.
Sa normal na mga sitwasyon, maaari kang makatanggap ng push notification bilang alerto kung lumampas sa 65% ang iyong Panganib sa Margin at isang email kung lumampas sa 85% ang iyong Panganib sa Margin. Sa ganitong kaso, dapat mong isara ang bahagi ng iyong mga posisyon o magdagdag ng mas maraming panggarantiya sa iyong Futures Wallet upang maiwasan ang pagkalugi. Sa pangkalahatan, mahalagang palaging bantayan ang iyong Panganib sa Margin sa iyong Nexo app o plataporma ng web kapag nagte-trade ka ng Futures.